Seksi sa FX

After office hour isang napakaganda at seksing babae ang sumakay ng FX sa Ayala Avenue upang umuwi na ng bahay, nang nasa kalagitnaan ng biyahe nakaramdam sya ng di kanaisnais sa kanyang sikmura marahil dahil sa kinain nyang ginatang kamote kaninang tanghalian na nabili nya sa ng rolling store sa Makati. Alam nya na sasabog na ang masamang hangin na nabubuo sa kanyang tiyan at kailangan na nya itong mailabas subalit puno ng pasahero ang FX at may kasakay pa naman syang guapo sa loob, pilit nyang pinipigilan ang kanyang nararamdaman pero talagang di na nya kayang tiisin, may naisisp syang paraan… “ah alam ko na, ang lakas ng sound dito sa FX at kung isasabay ko sa malakas na sound hindi nila ito maririnig.” kaya yun nga ang ginawa nya initiempo nya sa malakas na part nung music yung pag-utot nya, at yun nga nairaos din nya sa wakas kaya naka hinga sya ng maluwag. nung malapit na sya sa kanilang bahay nakaramdam na naman sya ng pag-utot kaya di na nya ito pinigilan ng matagal di tulad nung una, isinabay nyang muli ito sa malakas na parte ng tugtog. Sumapit sya sa kanto malapit sa kanilang bahay at sya ay pumara ng tumigil ang FX at aktong babababa na sya napansin nyang nakatingin sa kanya ang lahat ng psahero ng FX pati na rin ang guapong kasama nila at may ngiti pa ito sa kanyang mga labi nagtataka sya dahil lahat ay nakatingin sa kanya at yung iba ay nagbubulungan pa. “Bakit kaya sila tingin ng tingin sa akin at parang nakakaloko pa ang mga ngiti nila”. Nang makababa na sya sa FX dun lang nya napansin na naka-walkman pala sya.

Published in: on March 13, 2009 at 7:37 pm  Comments (1)  

The URI to TrackBack this entry is: https://paetenos.wordpress.com/2009/03/13/seksi-sa-fx/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. ehehe natuwa din ako dun ah.. eheheh kulit 😛


Leave a comment