
Noong Hulyo 07, 2010 sa ganap na ika-4:45 ng madaling araw ay nilooban ang bahay ni G. Bobby Dantoc na matatagpuan sa 183 Almeda St. Brgy. Ibaba del Norte (9), Paete, Laguna nina Romulo Cordez Jr. dalawampung (20) taong gulang at ng isang kasabwat na kinilalang si Jayson, na taga Ilaya del Sur (na sa kasalukuyan ay hindi pa nahuhuli) upang nakawin ang motorsiklo na pag-aari ng nasabing biktima.
Dahilan sa isinasagawang ronda ng mga Barangay Tanod ng nasabing barangay sa pangunguna ng kanilang hepe, Richard Radovan ay nahuli sa akto ang nasabing suspek na si G. Romulo Cordez, Jr. na hinihinalang kasangkot sa mga nakawan ng motor dito sa ating bayan. Ang nasabing suspek ay isinuko na sa Himpilan ng Pulisya para sa kaukulang aksyon habang ang kanyang kasabwat na si Jayson ay nakalalaya pa.
Ang nasabi pong suspek ay minanmanan “Surveillance” ng bumubuo ng PACTAF at ng Pederasyon ng mga barangay tanod at dahilan po sa kanilang matiyaga at walang sawang pagbibigay ng kanilang oras ay nadakip ang suspek na siyang itinuturong utak ng nakawan sa mga motor sa ating bayan.
Maraming, maraming salamat po sa mga Barangay Tanod sa inyong pagganap sa inyong mga tungkulin at binabati po namin kayo sa inyong nagawa.
FULL STORY